Pambansang Seminar-Workshop ukol sa: “Pagsulat ng Pananaliksik, Modyul Textbook at Publikasyon Nito”
Pambansang Seminar-Workshop ukol sa: “Pagsulat ng Pananaliksik, Modyul Textbook at Publikasyon Nito”
Malugod po kayong inaanyayahan ng Pamantasang Sentro ng Wikang Filipino, Tarlac State University na lumahok sa Pambansang Seminar-Workshop ukol sa: “Pagsulat ng Pananaliksik, Modyul Textbook at Publikasyon Nito” na gaganapin sa 5-7 Mayo 2016 8:00 n.u – 5:00 n.h. sa TSU Alumni Center, Lucinda Campus, Lungsod Tarlac.
Layunin ng Pambansang Seminar-Workshop ang mga sumusunod:
- Linangin ang kaalaman at kasanayan ng mga guro sa pagsulat ng mga makabuluhang pananaliksik na tutugon sa pangangailangan ng Outcomes Based Education at Kurikulum na K-12.
- Magamit ang mga natutuhang kasanayan sa pagbuo at pagsulat ng mga sangguniang aklat at modyul batay sa mga layunin at nilalaman ng mga kursong itinatakdang CHED at DepEd.
- Hikayatin ang mga guro na maging aktibo at dalubhasa sa pananaliksik at gamitin ang wikang Filipino sa pagsulat.
- Mailahad ang mga pamamaraan sa paglalathala ng mga natapos na pananaliksik, sangguniang aklat at modyul ayon sa itinatadha nang batas.
Inaanyayahang dumalo sa gawaing ito ang mga guro sa lahat ng antas, mananaliksik, manunulat at mga estudyante sa kolehiyo at Paaralang Gradwado. Ang halaga ng rehistrasyon ay dalawang libong piso (₱2,000) para sa sertipiko, seminar kit, at pagkain (3 tanghalian, at 6 na meryenda) hindi po kasama ang akomodasyon.
Para sa reserbasyon at maagang magpaparehistro ang babayaran na lamang ay ₱1,800 bago 4 Mayo 2016. Maaari kayong makipag-ugnayan kay Bb. Chairmaine D. Velasco sa numero ng celpon 0909-704-0871, 0920-947-1461 o sa email add: [email protected] para sa karagdagang impormasyon.